SLIA Resources, Directories & Lists

Wednesday, October 21, 2020

Kuwentong Musmos Author Interview: Liwliwa Malabed

Here is the blog interview of Ms.Liwliwa Malabed, author of 
Sampung Eroplano (2019) and illustrated by Pergylene Acuna. Sampung Eroplano is one of the twenty books that Adarna House published under the Kuwentong Musmos Project of Room to Read.

Bakit ka nagsusulat para sa mga bata/kabtaan?

Nagsusulat ako para sa aking sarili, para sa anak ko at mga pamangkin, para sa aking mga estudyante, para sa   mga batang Pilipino. May mga aklat na habang binabasa ko ay pakiramdam ko, sinulat ito para sa akin.                Dahil sa mga aklat na ito, nakilala ko ang aking sarili at lumawak ang aking mundo. Gusto kong maramdaman    din iyon ng batang magbabasa sa aking sinulat.

 Paano ka nagsimula sa pagsusulat ng mga kuwentong pambata? Ano ang iyong origin story?

 May Children’s Literature class ako noong undergrad at mula noon nagsimula akong mangolekta ng mga children’s books. Sumali rin ako sa patimpalak ng isang magazine at isa sa mga nanalo ang aking kuwento. Ang kuwentong iyon ang ipinasa kong sample writing para makapagtrabaho sa isang children’s show. Miyembro din ako ng samahan ng mga manunulat ng panitikang pambata, ang KUTING o Kuwentista ng mga Tsikiting.

Magbigay ng tatlong salita upang mailarawan ang karanasan mo bilang isang fellow ng Kuwentong Musmos Workshop?

 Itapon sa kanan.

 Isa sa mga pinakamahirap na gawain sa palihan ay ang 100 word count. Noong nagtutulungan ang mga fellows kung paano gawin ito, naging biruan namin ang “itapon sa kanan!”

 Personally, dahil nagsulat ako ng scripts para sa telebisyon, ang naging atake ko dito ay i-retain ang mga dialogues tapos ITAPON SA KANAN yung iba.  Yung format kasi ay parang sa script din, may 2 columns, isa para sa TEXT at isa para sa VISUAL NARRATIVE (sa script ay AUDIO-VIDEO ang format).  So yung kanan ay visual narrative, yung paglalarawan ko sa mga tauhan, lugar at pangyayari at ang mag-execute nito ay ang artist/illustrator. Para sa akin, ang tatlong salita na ito-- ITAPON SA KANAN ay nangangahulugan din na bumitaw at magtiwala sa husay ng ilustrador na buhayin ang mga salita at ikuwento ito gamit ang kanyang sining.

 

Sa Sampung Eroplano, talagang bumitaw ako dahil wordless book ito. Kahit hindi ko pa kilala kung sino ang gagawa ng illustrations,  buo ang tiwala ko sa kanya, sa editors at sa Adarna. Natuwa ako nung nalaman ko na si Pergy ang artist. Sabik akong makitang mabuo ang kuwento dahil nasa kanya yung kalahati.

 Anong aklat ang sana ay ikaw ang nagsulat?

 Kaydami kong nabasa na napapaisip ako “Sana, sana ako yung nagsulat.” Kung pipili lang ako ng isa, ito ang MAGNIFICENT BENITO AND HIS TWO FRONT TEETH nina Augie Rivera, Mike Rivera at Jason Moss, inilimbag ng Adarna House. Kumpleto ito sa sangkap: may trahedya, may problema, may nakakatawa, may kendi, may pambihira at may solusyon na nakaugat sa kakayahan ng tauhan.

 Magbigay ng 5 tips o payo para sa mga gustong magsulat ng kuwentong pambata.

 Magbasa, magmasid, palayain ang haraya, magsulat, magrevise! :)


For as long as she can remember, Liwliwa Malabed has been telling stories—her  classmates crowding around her as she drew stick figures to accompany her imagination gone awry. She started writing them down after college, with a wealth of children’s  storybooks for inspiration. Her first story, Anya and Her Tears, won in MMPI  Dreamweaver’s Contest for original bedtime story and illustration (published in Family  Reader Magazine). The same story got her a job as a staff writer for Eskwela ng Bayan, a  curriculum-based children’s show. 

She received awards for her books and stories including a National Book Award for 100  Questions Filipino Children Ask (with Emylou Infante), PBBY Honorable Mention for  Gusto Ko Nang Lumaki!, Lampara Prize Honorable Mention for The Girl Who Always  Looked At People’s Shoes and Second Prize Samsung Kids Time Authors’ Awards for  Apuy’s Fury. She has written 15 books for children. She also wrote scripts for Sirit!,  Jollitown, Probe Production’s travelogue Cheche Lazaro Presents and ABS-CBN’S The  Filipino Channel. She received her Bachelor’s Degree in European Languages and her  Master’s Degree in Teaching in the Early Grades from the University of the Philippines,  Diliman. She is an Assistant Professor at the University of the Philippines, Los Baños. 


  


No comments:

Post a Comment