SLIA Resources, Directories & Lists

Friday, August 28, 2020

Illustrator Interview: Juno Abreu (2 of 2)


Narito naman ang ikalawang bahagi ng interbyu kay Juno Abreu, illustrador ng Papa Teyo (Baquiran, Aklat Alamid 2019). Ang Papa Teyo ay isang malambing na kuwento ng maglolo na nakasulat sa wikang Ibanag.

Magbigay ng 5 aklat na mairerekomenda mo sa isang artist o illustrador na nagsisimula pa lang sa piniling karera.

Hindi ako nagkaroon ng proper training sa pag-illustrate para sa mga librong pambata, natutunan ko lang din siya dahil sa appreciation ko sa mga illustrations ng mga binabasa ko, so kung may mairerekomenda ako para sa mga nagsisimula pa lang sa karerang ‘to ang una kong mairerekomenda ay ang Sinemadyika na isinulat ni Lauren Macaraeg at iginuhit ni Aldy Aguirre, pangalawa ay ang Isang Harding Papel na isinulat ni Augie Rivera at iginuhit ni Rommel Joson, sunod naman ay ang Shelah Goes to a Da-ngah na isunulat ni Padma Perez at iginuhit ni Mika Song, The Little Girl in a Box ni Felinda V. Vargas at iginuhit ulit ni Aldy Aguirre, ang huli naman ay ang Mga Uring Panlipunan na isinulat ni Equipo Plantel at iginuhit ni Joan Negrescolor. Mga paborito kong librong pambata at mga paborito ko ring illustrations, siguro sila din ang naging influence ko nung nagsisimula pa ako bilang isang ilustrador. 


Ano pa ang gustong makamit at magawa ni Juno Abreu?


Sa totoo lang okay na ako’t nakapag-illustrate na ako ng librong pambata. Ha-ha! Wala na akong gustong makamit pa, siguro gusto ko lang na ipagpatuloy pa ang pag-guhit sa mga makabuluhang kwento para sa mga bata.



Ang Papa Teyo ay maaring mabili online sa page ng Aklat Alamid at website at page ng Pumplepie Books & Happiness.

No comments:

Post a Comment