SLIA Resources, Directories & Lists

Saturday, April 4, 2020

Kuwentong Musmos Illustrator Interview: Luis "Ito" Chua


Luis "Ito" Chua, the illustrator of Kiko Kitikit (Macaraeg, Lampara Books 2019) shares what he learned from the Kuwentong Musmos Illustrators Workshop in this interview. Kiko Kitikiti is one of the five books published by Lampara Books under Room to Read's book project.

1.    What is your creative process for Kiko Kitikiti?

Creative process ko syempre gawa muna nang character studies. Explore, para may pagpipilian kung ano yung pinaka the best na babagay dun sa kwento. Iniba ko rin yung background nung kwento. Instead na sa classroom dapat ang scene, ginawang kong galaxy/sky ang background. Feeling kasi ni Kiko, lagi siyang lumilipad kagaya ng idolo nyang super hero.

2.    What is the picture book/children’s book you wish you had created or illustrated?
Sa RTR din ba ito? Gusto ko yung kwento na napunta kay Ara Villena. Yung tungkol sa talakitok na sira ang buntot. Mahilig kasi ako sa isda at dagat. 

3.  What are your 5 tips to aspiring illustrators?
Based yung iba dito sa mga natutunan ko sa workshop.

a. Sumali sa  Ang Ilustrador Ng Kabataan (Ang INK)!

b. Find your own style, sabi ko nga " kung gusto mong magkaroon ng sariling istilo, gumuhit ka nang walang kinokopyang litrato." I-appreciate mo kung ano yung outcome ng puso at isip mo. Yan ang magiging sarili mong istilo.

c. Make thumbnails para may pagpipilian ka kung ano yung pinaka magandang composition ng bawat spreads. 

d. Kapag gagawa ka ng characters,specially sa mga sensitive na topic dapat maging aware tayo sa mararamdaman nung magbabasa ng libro.

e. Matutong mag explore. Hindi kailangan lahat literal na kung anong nasa kwento, yun narin ang illustrations. Explore para maging malawak at makulay pa lalo yung kwento.

 4. What are your 5 recommended books for young artists or anyone who wishes to break out into picture book illustration?
1. Naku! naku! Naku!
2. Sandosenang Sapatos
3. Namimingwit sa Langit
4. Si Nina sa Bayan ng Daldalina
5. Berting Uling

 5. What part of Kiko Kitikiti did you enjoy drawing the most or proved challenging to draw?

Halos lahat e. Kasi yung kwento na napunta sa akin, kailangan paulit-ulit ang characters. Malikot kasi si Kiko. So kailangan talaga magkakamukha.

No comments:

Post a Comment