SLIA Resources, Directories & Lists

Monday, April 20, 2020

Kuwentong Musmos Author Interview: Maloi Malibiran-Salumbides

Sa mga araw na darating, mga manunulat at mga illsutrador  naman ng OMF-Hiyas ang itatampok dito sa blog. Buena mano si "Ate" Maloi Malibiran-Salumbides. Siya ang sumulat ng kuwwntong
Tinola ni Nanay na ginuuhit naman ni Felix Mago Miguel.

·         Bakit ka nagsusulat para sa mga bata/kabataan?

Noong highschool pa lamang ako, nabasa ko ang quote na ito, “If you want to leave a legacy, write a book, plant a tree and raise a child.”  Tumatak sa akin ang kaisipang iyon at nagsimula akong mangarap na makapagsulat ng libro bilang pamana sa susunod na henerasyon.  Ang unang aklat na naisulat ko ay para sa mga nagtatrabahong gaya ko. Nasundan ito ng marami pang libro para sa mas nakatatanda. Noong ako’y magka-anak na saka ako na-engganyo na subukang magsulat ng kwentong pambata. Mahilig kasing magpakwento ang aking mga anak noong sila’y maliliit pa. Sila ang inspirasyon ko sa pagsusulat para sa mga bata.

·         Paano ka nagsimula sa pagsusulat ng mga kuwentong pambata? Ano ang iyong origin story?

Naanyayahan akong dumalo sa isang workshop sa pagsusulat para sa mga bata ng OMF Literature noong 2012. Mga propesyonal at bahugang manunulat ng kwentong pambata ang naroon. Naisip kong sumulat ng kwento tungkol sa isang barrio kung saan ang mga nakatira ay mga nag-aaway na mga instrumento. Sobrang ingay ng lugar na iyon dahil ang mga instrumento ay di magkasundo. Napalitan ng masayang musika ang ingay sa barrio
nang matuto ang mga matatandang instrumento buhat sa masayang paglalaro ng mga batang instrumento. Ang pamagat ng kauna-unahan kong kwentong pambata ay “Boom, Bang, Clang!”.

·         Magbigay ng tatlong salita upang mailarawan ang karanasan mo bilang isang fellow ng Kuwentong Musmos Workshop?

Nakakanerbiyos. Pagpapala. Nag-uumapaw

·         Anong aklat ang sana ay ikaw ang nagsulat?

“Sandosesang Sapatos” ni Tito Doc Luis Gatmaitan

·         Magbigay ng 5 tips o payo para sa mga gustong magsulat ng kuwentong pambata.

1) Manood at makinig kung paano maglaro at magkwentuhan ang mga bata. Pasukin mo ang kanilang mundo at matuto buhat sa kanila. Maraming maituturo sa atin ang mga bata.

2) Ugaliing magbasa ng mga kwentong pambata na isinulat ng ibang may-akda.

3)May kwento ang bawat bagay. Paganahin ang iyong imahinasyon at magsimulang magsulat ng kahit ano tungkol sa bagay na nasa harap mo.

4) Gumamit ng maiikling pangungusap. Di kailangang isulat o ipaliwanag lahat. Hayaan mong tumakbo ang imahinasyon ng batang magbabasa ng iyong kwento.

5) Maging bukas sa suhestiyon ng iba kung paano mo higit na mapagaganda ang iyong kwentong pambata.

Author's Bio


Si Maloi Malibiran-Salumbides ay isang brodkaster, inspirational speaker at awtor. Nagtapos siya ng BA Mass Communication (major in Broadcasting) sa Unibersidad ng Pilipinas at nagtamo ng Master of Arts degree sa Wheaton College sa Amerika. Nakapagsulat na siya ng maraming aklat na naghahatid inspirasyon sa mga nagtatrabaho. Ang Tinola ni Nanay ang pangalawang aklat na kanyang isinulat para sa mga bata.


No comments:

Post a Comment