SLIA Resources, Directories & Lists

Saturday, March 28, 2020

Kuwentong Musmos Author Interview: Genaro Gojo Cruz

Maraming beses ko ng na-interview si Genaro Gojo Cruz sa blog. At hindi ko na kailangan pang magpalabok sa pagpapakilala sa kanya. Pero ito ang gusto kong sabihin. Noong makasama ko siya sa Kuwentong Musmos workshop sa Bohol, nanginig ang lahat sa kanyang presensya. Subalit, tahasan din niyang sinabi sa Team Lampara, "narito ako upang makinig at mag-mentor."

Si Genaro ang nagsulat ng kuwentong Ang Alaga Kong Lolo (Lampara Books, 2019) na ginuhit naman ni Lui Buan.

1. Bakit ka nagsusulat para sa mga bata/kabtaan? 

Nagsusulat ako ng mga kuwentong-pambata dahil ito na ang pinakakomportableng genre para sa akin. Isa pa, nakikita ko ang halaga mga aklat-pambata para sa isang bansang maraming sakit. Maraming puwedeng gamutin ang mga aklat-pambata sa ating lipunan.

2. Paano ka nagsimula sa pagsusulat ng mga kuwentong pambata? Ano ang iyong origin story?

Nagsimula akong magsulat ng mga akdang-pambata noong 2000 sa Junior Inquirer. Ang JI ang maituturing kong naging training ground ko sa pagsusulat para sa mga bata.

3. Magbigay ng tatlong salita upang mailarawan ang karanasan mo bilang isang fellow ng Kuwentong Musmos Workshop?

Naging isang malaking hamon sa akin. Kailangan ang tiyaga. Mahalaga ang makinig sa iba.

4. Anong aklat ang sana ay ikaw ang nagsulat?

Sandosenang Kuya; Just Add Dirt; Papa's House; Mama's House; Yaya Niya, Nanay Ko; at Mabait na Kalabaw

5. Magbigay ng 5 tips o payo para sa mga gustong magsulat ng kuwentong pambat

Magbasa ng maraming aklat-pambata, lokal at banyaga. Makisalamuha sa mga bata. Magsulat. Magrebisa. Magpabasa ng naisulat na kuwento sa iba at humingi ng mga puna.

No comments:

Post a Comment