SLIA Resources, Directories & Lists

Wednesday, July 26, 2017

Author of the Month: Genaro Gojo Cruz

Because the third Tuesday of July is National Children's Book Day, the blog's author of the month is Mr. Genaro Gojo Cruz. He is a back-to-back winner of the Salanga Prize. In this interview, Mr. Gojo Cruz shares with us his motivation and inspiration in writing stories.


Salanga Prize win ners Imelda Estrella, honorable mention & Genaro Gojo Cruz, grand prize winner 
Back to back winner ka sa Salanga at may honorable mention pa! Ano ba ang sikreto mo?

Di ko alam eh. Ang pagsali sa mga patimpalak ay lagi namang walang kasiguruhan. Iba-iba ang judges kaya di ko rin alam kung ano ang gusto o hinahanap nila sa isang kuwento para sa mga bata. Ang sikreto ko lang sigurong masasabi, kapag may patimpalak, para akong nagkakaroon ng gasolina para sumulat. Nagkakaroon ako ng "gana".

2. Bakit Dalawa Kami ni Lola?

Napakatagal ng nasa isip ko ang kuwentong "Dalawa Kami ni Lola." Gusto ko lang ipakita ang paralelismo ng pagiging isang bata at pagiging isang matanda. Natutuhan ng isang bata ang mga gawain para sa kaniyang sarili habang di na nakakayang gawin ng isang tumatanda ang dati niyang mga ginagawa. Napakadali ko lang naisulat ang kuwento. Punong-puno ako ng gana habang isinusulat ito. Ang totoo, wala akong rebisyon na ginawa sa kuwento. Ipinasa ko ito sa PBBY kung paano ko ito unang naisulat.


Genaro Gojo Cruz with friends in the Kids Lit industry
Mamili ka lang ng isa:
a. Rizal o Bonifacio
Bonifacio

b. Beer o kape
Kape

d. Museo o library
Museo

e. iPad o Android
iPad

f. Facebook o Twitter
Facebook

4. Ano ang kuwento o aklat na gusto mo na ikaw sana ang nakasulat? Bakit?

Sana ako ang nakasulat ng "Nemo ang Batang Papel" ni Rene O. Villanueva na tungkol sa isang batang-lansangan na naging papel na nilipad patungong langit. Di man sinabi nang tahasan, death ang tinalakay sa kuwento na isang napakahirap talakayin sa isang kuwentong pambata. Sa ngayon, ginagamit ko itong pamantayan sa pagsulat ng mga kuwentong tumatalakay sa karanasan ng mga batang lansangan. Sa pagsulat ng mga kuwento, iniiwasan kong magpabaha ng luha. Gusto kong masaya ang kuwento!

No comments:

Post a Comment