SLIA Resources, Directories & Lists

Saturday, January 7, 2017

12 Days of Christmas Movie Review: Ang Babae Sa Septic Tank 2

Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough
Director: Marlon Rivera
Screenplay: Cris Martinez
MMFF 2016

Talagang may mga milagrong nangyayari sa panahon ng kaPaskuhan. Biruin mo, sinamahan ako ni Papadoms manood ng Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough! Last full show pa ang kinuha naming screening time at 30 minutes bago magsimula ang sine, nakapila na kami sa entrance gate ng cinema.

Syempre, nangunguna ako sa pila. At may nakakatawang kuwento bago kami nakapasok sa loob ng cinema.

Me to Ticket Lady: Miss, nagpapasok na ba?

Ticket Lady: Saan po?

Palibhasa, dalawang cinema kase ang binbantayan niya.

Me: Sa Septic Tank 2.

Ticket Lady: Nililinis pa po.

Wagi ang aming exchange of conversation, di ba? Tawa naman si Papadoms nung marining niya ito. Sapul. Senyales pala ito ng mga katawatawang eksena ng pelikula. Bukod sa katatawanan, makabuluhan rin ang pelikula at napapnahon. Tumawa kami at nag-isip.

Nag-isip, bes. NAG-ISIP.

Kaya heto ang top 5 na nagustugan kong mga eksena at aspeto sa Ang Babae Sa Septic Tank 2.

1. Eugene Domingo. Syempre, fan ako. Pero, bes, ang galing talaga ni Eugene dahil arte sya kung kailangang ang lungkot, saya, pagkadismaya, ka-bekihan, ka-kikayan, lahat na! Panalo sa akin ang tatlong levels ng hugot. Consistent si Eugene sa delivery ng lines sa eksena nila ni Jericho Rosales. Ang gagaling rin nina Joel Torre (walang kupas!), Cai Cortes at Agot Isidro, kahit pa kaunti lang ang role niya dito. Siya pa rin ang ideal na BFF ng bidang babae. She doesn't over run the lead, but makes her presence felt. Ganun din ang naramdaman ko habang pinapanood ko si Cai Cortes.

2. Ang talino ng script. Ang meta. Ang sharp ng dialogue at para sa aking pandinig, ang poetic ng language ni Cris Martinez. Lalo na sa eksena kung saan pikon na pikon na si Kean Cipriano kay Eugene Domingo.

3. Yung mga quiet moments sa movie, ang lakas ng dating. Enough na yung empty room sa condo ni Direk Rainer na magbigay ng hiwatig na olats na si direk kahit marami siyang trophy sa shelf niya.

4. Si Facundo. Need I say more?

5. Ang cover version ni Eugene ng Forever Is Not Enough. Ang organic. Hindi pilit. Authentic.

Ito ang mga dahilan kung bakit masasabi kong wagi ang sequel na ito para sa akin.

Rating: 4.5

No comments:

Post a Comment