SLIA Resources, Directories & Lists

Tuesday, September 6, 2016

Illustrator of the Month: Ruben "Totet" de Jesus (Part 2 of 2)

Totet has a funny bone: Totetious Pandakusorious
Did you like part 1 of the interview with Mr. Ruben "Totet" de Jesus? You can recall the interview by clicking the highlighted link. 

Here now is part 2 of the interview where Totet shared his approach in illustrating Big Sister. We will run a workshop on writing and illustrating children's stories during the Manila International Book Fair (MIBF) at SMX, MOA Pasay City. Abangan ang press release!


4. Ano ang feeling na mapili sa Kids' Choice Top Ten?

Masaya siyempreng mapasama sa sa Top Ten ng Kids’ Choice sa katatapos na National Children’s Book Awards. Sa totoo lang, malaki ang pakiramdam ko na mapapasama sa shortlist ang Big Sister dahil sa simpleng charm ng kuwentong ito, ang prosesong tinahak ko para mabuo ang mga ilustrations ko, at ang mga positibong feedback na natatanggap ko para dito.

Ang tema ay napakasimple pero madaling maka-relate ang mga bata (at ang mga hindi na masyadong bata) sa ugnayan ng mga karakter sa kuwento. Kung ikaw ang mas batang kapatid, alam mong hindi parating nakakatuwa ang iyong ate. Kung ikaw ang mas nakatatanda, minsan masarap kulitin ang bata mong kapatid. Pero, kahit hindi perpekto ang ugnayan ng magkapatid, mangingibabaw pa rin ang pagmamahalan sa isa’t isa. Nagkakaroon pa rin ng pagkakataong makita ang kabutihan ng kalooban sa iyong kapatid.

Isang challenge para sa akin ang iguhit ang kuwentong ito. Paano ko gagawing mas interesante ang karakter ng ate kahit na sa umpisa ay parang hindi nakatutuwa ang asal niya sa kanyang mas batang kapatid? Ang naging solusyon ko ay gawing multi-faceted ang karakter ni ate. Marami siyang talento at kakayahan. Pinakita ko ang versatility ni ate. Nagba-ballet, nagka-karate, nagbe-bake, kumakanta, nagba-bike at mahilig magbasa.

Paano ko gagawing interesante ang paraan ng pagpapakita ng bata ng kanyang pagpapahalaga sa kanyang ate? Dito ko pinalabas ang kakayahan ng batang lumikha ng kakaiba at malikhaing paraan para ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang ate.

5. Saan ka kumuha ng inspirasyon para maiguhit at mailarawan ang Big Sister?

Meron akong dalawang ate. Sila ang una kong pinaghugutan para umpisahan ang paglikha ng karakter ni ate.

Mahalaga ring balikan ang simpleng pagpapakita ng mga emosyon sa pagguhit ng tuwa at inis, takot at payapa, saya at lungkot sa mga sitwasyon ng kuwento.

Pero ang unang biswal na tumatak kaagad sa isip ko ay ang yung nasa cover – yung agawan ng dalawa sa remote control ng TV. Alam ko kaagad na ito ang magiging biswal ko para sa cover.

6.  Anong medium ka pinakakomportable sa paglikha at paguhit?

Watercolor, color pencil at fine-point pens.


No comments:

Post a Comment