SLIA Resources, Directories & Lists

Wednesday, July 13, 2016

Author of the Month: Christine Bellen

Si Bb. Christine Bellen, guro at manunulat, ay naglunsad ng isang koleskyon ng mga dula na may pamagat na Batang Rizal at Iba Pang mga Dula (Ateneo de Manila University Press, 2016). Ito ay inilunsad sa publiko noong Hunyo 20, 2016 sa Aklatang Rizal, Ateneo De Manila University. Pinaulankan niya ang aking imbitasyon na ma-feature sa aking blog. Sa panayam na ito, sinagot ni Bb. Bellen ang mga tanong tungkol sa pagsusulat ng mga dula para sa kabataan at sa mga mambabasa na may hilig sa dula at dulaan.

Narito ang panayam ko kay Bb. Bellen.

1. Mukhang nag branch out ka ng genre. Bakit dula at Bakit si Rizal?

Hindi ako nagbranch out ng genre. May ganun ba sa Pilipinas? Palagay ko, maraming mga manunulat sa atin ang may mga major na trabaho sa isa o dalawang genre pero may kakayanan at interes din sa iba pang genre. Halimbawa si Egay. Nagsimula siya bilang isang makata. Wala namang nagtanong sa kanya kung bakit siya nagmaikling kuwentong pambata at YA. Sa kaso ko, isang dekada ang antolohiya ng mga trabaho ko para sa dulaang pambata kaya ibig sabihin ay kasabay ito ng mga trabaho ko rin sa pagsusulat ng mga kuwentong pambata, at kasabay rin ng pag-aaral ng Ph D para sa panitikang pambata. Nakikita ko ito bilang mga trabahong may organikong pagkakaugnay dahil sa ito naman talaga ang interes ng manunulat. Magkakaiba lamang tayo ng kombinasyon ng mga isinusulat.

2. Ano ang kaibahan Sa pagsusulat ng dula kumpara sa nobela o maikling kuwento?

Para sa akin, nakikita ko ring hindi hiwalay ang pagsusulat para sa mga bata at ang pagsusulat ng dula kung genre ang pag-uusapan dahil kapwa visual ang style ng pagsusulat at imahinasyon sa kanila.
Ang kaibahan sa dula, ay dayalogo ang isinusulat mo. Hindi tulad sa nobela at maikling kuwento. Pinakamatingkad na elemento sa dula ay ang characterization dahil ito rin ang magiging motibasyon at dahilan ng pag-usad ng naratibo.
3. Iilan lang ang mga manunulat ng Panitikang Pambata or YA lit ang sumasabak Sa pagsusulat ng dula. Ano kaya ang dahilan? Kailangan ba na may magsasadula nito kaya dapat affiliated ang manunulat Sa isang theatre group?
Kaunti ang sumasabak sa pagsusulat ng dula dahil ibang passion rin ang teatro. Hindi ka lang nagsusulat kundi bahagi ka ng isang malaking produksyon. Kung sa picture book, katrabaho mo lang ang illustrator at editor, sa dula, produksyon talaga. May teknikal na aspekto rin itong kasama. Ikaw bilang mandudula, sa katunayan ang unang "nakaka-envision" nito sa mga dula mo. Ikaw ang unang direktor, aktor, set designer, props, ilaw, at maging musika.
Hindi naman kailangang affiliated ka sa isang theater group.
Sa kaso ko, naimbitahan akong magsalin una ng isang dula ni John Cocteau sa UP Dulaang Lab. Tinanggap ko kasi gusto ko talaga ang teatro. Mahilig akong manuod at kapag nanunuod ako, may kakayanan akong umawain ang skeleton ng dula kahit hindi ko pa sila mapangalanan dati. Siguro, dahil passion ko ito kaya't may ganung ekstensyon ang pag-unawa ko sa dula. Hindi pa natatapos ang dula ko kay cocteau ay tinawagan na ako ng PETA. Dun na nagsimula ang lahat. Sunod sunod na ang proyekto ko sa kanila at sa iba pang tanghalan.
Para sa akin, isa uri rin ng mahusay na kuwento ay kung nakikita mo ito sa iba pang medium. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang mga nananatiling kuwento. May elemento siguro sa mga kuwentong naisasadula o naisasa-pelikula na alam mong hindi lang ito mananatili bilang kuwento. Sa isang banda, may mga kuwentong, magandang basahin at namnamin sa anyo niya bilang kuwento.

4. Ano ang pinaka paborito mong dula sa koleksyon?

Pinaka-paborito ko ang Batang Rizal saka Hagibis.

No comments:

Post a Comment