SLIA Resources, Directories & Lists

Monday, July 11, 2016

2016 NCBD Illustrator Interview: Mark Lawrence Andres

Mark Lawrence Andres, is the blog's featured illustrator of the month. Mr. Andres won the 2016 Alcala Prize for his illustrations of the winning Salanga Prize story, Makinang, Makinang by Genaro Gojo Cruz.  He will be awarded a medal and a cash prize on July 19, 2016, National Children's Book Day at the Cultural Center of the Philippines. This is his first award and his first attempt in illustrating a story for children.

Mark Lawrence Andres is a Graphic Designer and Illustrator. He graduated with a degree in Industrial Design in the College of Fine Arts, University of the Philippines, Diliman. He uses watercolor for his artworks, but he is also open to try other medium like poster color.

a. Ano ang kahulugan ng pagkakapanalo mo ng Alcala Prize? 

Isang malaking karangalan para sa akin ang mapanalunan ang Alcala Prize. Ito rin ang unang award na napanalunan ko bilang isang ilustrador kaya masayang masaya ako nang malaman ko ang balita. Nakakatuwang malaman kapag kinikilala ng iba ang gawa mo. 

b. Anong mga preparasyon ang ginawa mo para maiguhit ang Makinang, Makinang?

Naalala ko ang kabataan ko sa kuwento kaya nagustuhan ko talaga ang proseso ng paggawa ng mga illustration. Noong bata kasi ako may lumang makina rin kami sa bahay. Gaya ng bata sa kuwento, ginagawa ko ring duyan ang pedal ng makinang panahi kapag hindi ginagamit ng tatay ko. Pero higit pa sa mismong makina, mas itinuon ko ang aking pansin sa pagsasalarawan ng pagmamahalan ng ina at ng kaniyang anak.  Para sa akin, ito ang pinakamagandang elemento ng kuwento. 


c. Ngayong nanalo ka na sa isang patimpalak, saan mo nakikita ang direksyon ng iyong karera sa buhay bilang designer at visual artist?

Sa ngayon, nagtratrabaho ako bilang isang full- time graphic designer pero gusto ko rin sanang mahasa ang pagiging ilustrador. Mahilig ako sumubok ng iba't bang style sa illustration. Sa palagay ko, nasa proseso pa ako ngayon ng pagdiskubre ng sarili kong estilo. Gusto kong gumuhit para sa isang kwento na hindi lang magugustuhan ng mga bata, kundi pati mga matatanda. Katulad ng The Little Prince.

d. May nais ka pa bang gawin bilang artist at sino ang gusto mong makasama pa sa paglikha?

Noong nag-aaral pa ko sa kolehiyo, laruang pambata ang thesis ko. Masayang gumuhit para sa mga bata pero masaya ring gumawa ng bagay na pwede nilang hawakan at paglaruan, na makapagpapasaya sa kanila. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, gusto ko rin sanang makipagcollaborate sa isang arkitekto para magdisenyo ng isang modernong palaruang pambata.


For more information on the National Children's Book Day, the Salanga Prize and the Alcala Prize, visit the PBBY webiste: pbby.org.ph.

No comments:

Post a Comment