SLIA Resources, Directories & Lists

Monday, May 25, 2015

Book Spine Poetry Winner 2015

This year, we had two judges for our Book Spine Poetry Contest. MJ Tumamac and Beverly Wico Siy graciously accepted the judging duties. Here are their notes and reviews on the winning poem.

Beverly Wico Siy's review:

Napakahusay bilang description ang tulang ito. Matatakot ka sa nilalang na ipinakikilala bilang mamamatay-tao hindi lang dahil sa itsura nito (Big mouth and ugly/Freaky green eyes) kundi maging sa ugali at espiritwal nitong katangian 

(Unclean/Unholy/Wicked). Ang big mouth ay maaaring mangahulugan ng pagiging madaldal, maingay, buka nang buka ang bibig dahil sa pagsasalita. Maaari din itong ipakahulugan bilang matakaw, lamon nang lamon, kinakain ang lahat ng makita. Gahaman, sa maikling salita. 

Ang Green Eyes naman ay puwedeng ituring na reference sa dayuhan, partikular na sa mga taga-Kanluran. Kaya masasabing ang tulang ito ay isang epektibong babala: may naghihintay sa dilim, mga nilalang na walang sinasanto na maaaring magmalupit sa iyo at magdulot ng kamatayan. Sa anong dahilan? Sa kawalan nito ng kakontentuhan at matinding kagutuman.

MJ Tumamac's review:

Sa pag-aayos ng mga linya, hindi lang mahalaga na tunog matulain ang bawat linya; mahalaga rin kung may nabubuo itong diwa. Una, diwa sa literal na nibel. Tulad ng nabanggit ko na dati, hindi palabuan ang pagtula. Una kong tinitingnan kung maayos ang pagkakalahad, lalo na ang gramatika nito. Mula sa maayos na pagkakalahad ng ideya, tiyak na lilitaw na may talinghaga ang tula. Tulad ng tula sa ibaba, malinaw ang paglilista ng mga katangian muna.

No comments:

Post a Comment