SLIA Resources, Directories & Lists

Wednesday, March 12, 2014

Panayam ng mga Mag-aaral ng Raya School tungkol sa Sambat Trust UK

Ang mga mag-aaral ng Raya School na sina Diego Montenejo at Pepe Domingo ay nagpadala ng mga tanong ukol sa adbokasiya ng Sambat Trust UK. Gusto nilang malaman kung ano ang mga ginagawa ng charity para sa mga taga Tanauan, Batangas. Narito ang transcript ng panayam.

1.Sino ang nagsimula ng Sambat Trust at bakit niya binuo ito?

Si G. Anthony Mariano ang nagsimula ng Sambat Trust. Gusto niyang makatulong sa mga kababayan niyang taga Tanauan sa pamamagitan ng scholarship program at pagpapatayo ng mga aklatan sa mga pampublikong paaralan. Filipino British is G. Mariano. Lumaki siya sa London. Ang kanyang mga magulang ay tubong Tanauan, Batangas.

2. Gaano kalaki ang epekto ninyo sa buhay ng mga bata?

Nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga bata ang library project ng Sambat Trust. Pag may aklatan sila sa paaralan, nagiging masipag sila sa pag-aaral.

3. Ano ang plano ninyo sa hinaharap para sa mga bata?

Gusto kong magkaroon pa ng maraming aklatan sa Tanauan at sana, makapag basa pa ng mas madalas ang mga bata.

4. Gaano karaming bata ang pumupunta sa mga library ninyo?

Sa report ng Trapiche Elementary School, lahat ng mag-aaral nila ay nakakapunta sa aklatan dahil may schedule sila ng pag bisita sa aklatan. Subalit, wala pa kaming balita sa apat pang paaralan na binigyan namin ng aklatan.

5. Anong klaseng mga libro ang pinapabasa ninyo sa mga bata?

Mga aklat na limbag ng lokal na publishers ang nasa mga aklatan na project ng Sambat Trust. May foreign books rin pero, iilan lamang. Madalas ay sa Adarna House kami bumibili ng mga aklat.

6. Ano ang mga librong palaging binabasa o paborito ng mga bata?

Mga picture books at illustrated story books. Walang pinakasikat na aklat pero, gustong gusto nila ang mga aklat na may drawing.

7. Bakit ninyo ginagawa ang adbokasiyang ito? 

Mahilig aking magbasa at may kakayanan akong tumulong sa pagbuo ng aklatan. Bilang isang Filipino, ito na ang magagawa ko para sa bayan. Naniniwala rin ako na edukasyon ang makakapagbigay ng kalayaan mula sa kahirapan sa mga kababayan nating mahihirap. Dapat Silang turuan Kung paano magbasa at mag isip. Sa scholarship program at school library project namin ito magafawa.

8. Ano ang inyong paboritong bahagi o aspekto sa trabaho ninyo?

Masaya ako pag may nabubuo kaming aklatan at pag nalalaman  ko na may mga batang natututong magbasa dahil may aklatan silang pinuputahan. Bukod sa silid aralan, ang aklatan ay isang lugar kung saan makakapag isip ng malaya ang isang batang natututong magbasa.

No comments:

Post a Comment