SLIA Resources, Directories & Lists

Tuesday, October 9, 2012

Dear SLIA: Graphic Novels in the Library

Way back in May of this year, Ms. Luvie De Leon an alumna of Far Eastern University, sent me a question over at Facebook: Ok lang po ba ang graphics na books sa GS library like Nancy Drew,Hardy Boys, etc.

This was my reply to her.

Yes. Pero, i-review mo ang collection development policy ninyo. Baka may statement roon na hindi kayo dapat mag-acquire ng graphic novels at comics. Isa pa, kailangan nag consult ka sa principal, academic coordinator at mga teachers bago mag pasya na bumili ng graphic novels. Pwede ka rin gumawa muna ng reading interest survey ng mga students. Alamin kung ano ang gusto nilang babasahin at format ng babasahin.

Kung positive ang response ng principal, coordinator, teachers at students sa graphic novels, mag-allot ka ng budget. Kung ok sa students, pero negative sa mga principal, coordinator at teachers, gumawa ka muna ng proposal kung saan naka-spell out ang dahilan bakit nais mong bumuo ng graphic novel collection.

Hindi rin basta-basta ang pagbuo or pagbili ng graphic novels para sa library. Hindi ibig sabihin na uso, gagawin na rin ng library. Pinag-iisipan ito at kasama dapat sa collection development program ang pagbuo mo ng graphic novel collection para sa library. Dadaan pa rin sa masusing pagpili ang pagbuo ng graphic novel collection.

More on library collection development in future posts.

No comments:

Post a Comment