SLIA Resources, Directories & Lists

Tuesday, August 19, 2008

Yan Ang Pinay: Lucrecia Kasilag, National Artist

Yumao na si Lucrecia "Tita King" Kasilag, Pambansang Alagad ng Sining sa Musika, noong Sabado, Agosto 16, 2008. Naihatid ni Tita King ang PBBY sa ika-25 taon nito bago siya tuluyang mamaalam. Maraming maraming salamat, Tita King, sa iyong mga dakilang pamana.

Narito ang alay na tula ni Frank Rivera.

MUSIKA NI TITA KING

Tinambul-tambol na bao
Hinimas-himas ng palad
Pinitik-pitik ng kuko
Musika ang inilahad.

Luma't kaibang musiko
Agad niyang pinag-alab
Tunog-Bagong Pilipino
Likhang Lucresia Kasilag.


KAY TITA KING KASILAG

Kawaya'y di lalawiswis
Kung plawta'y walang iihip
Dahil sa iyong pag-alis
May harayang maiidlip.

Lamig-init ma'y magkiskis
Walang siklab na sisilip
At ang langit sa pagtangis
Kidlat-kulog, mauumid.

No comments:

Post a Comment